top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... DALAGANG NAKATAKDANG MAKABUO NG PAMILYA SA PILING NG KASALUKUYANG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon, Maestro, nais kong patingnan sa inyo ang guhit ng aking mga palad kung siya na ba ang makatutuluyan ko? November 16, 1991 ang birthday ko at July 2, 1986 naman ang boyfriend ko.

  2. Darating na siya sa Mayo mula sa ab­road at nagyayaya na siyang magpakasal na raw kami pagdating niya, kaya itatanong ko kung favo­rable ba sa aming dalawa ang mag­pakasal ngayong 2019?

  3. Kung kami na ang magka­katutuluyan, magiging maunlad, maligaya at panghabambuhay na ba ang aming papasuking pagpa­pamilya?

KASAGUTAN

Iisa lang ang malinaw, makapal at kitang-kitang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sobrang laki ng tsansa na kayo na ng kasalukuyan mong boyfriend ang magkakatuluyan higit lalo kung siya ang una mong boyfriend kung saan ang pag-aanalisang ang una mong boyfriend ang siya mo na ngang makatutuluyan ay madali namang kinumpirma ng maganda at okay sa alright na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) kung saan walang bilog at hindi nalatid (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, hindi lang malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, sa halip, dagdag pa rito, malaki rin ang posibilidad na sa sandaling kayo na ang magkakatuluyan, may pangako na sa inyong maligaya at panghabam­buhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Ms. Scorpio, tamang-tama ang plano ninyong magpakasal na ng boyfriend mo sa sandaling dumating siya mula sa ibang bansa kung saan bukod sa guhit ng pa­lad, ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6 =7) at 2 naman ang boyfriend mo ay nag­sasabing bukod sa compatible kayo sa Numerology ay sadyang tugma rin kayo sa Astrology kung saan ang Scorpio na zodiac sign mo at Cancer naman ang boy­friend mo ay compatible sa isa’t isa, kaya sa sandaling naika­sal na kayo, walang duda, ang itatayo ninyong pamilya ay habambuhay nang uunlad at magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page