MALA-DIKYANG 2ND PLACE KAKAPITAN NG LADY EAGLES?


TUMATAG sa kanilang pamumuno ang pupuntiryahin ng Ateneo de Manila habang sumalo muli sa ikalawang puwesto ang hangad ng University of the Philippines at ng Far Eastern University sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong hapon sa UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament.Unang sasalang ang Lady Tamaraws kontra University of the East Lady Warriors ng 2 p.m. bago ang 2nd edition ng Battle of Katipunan ng 4 p.m.
Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laro sa men’s division ng 8 a.m. ang Adamson at UP na susundan ng tapatan ng reigning champion National University at Ateneo ganap na 10:00 a.m. Tatangkain ng Lady Maroons na makabawi sa natamong first round na kabiguan nila sa Blue Eagles.
Gagamitin ang nakuhang momentum sa naitalang straight sets win at 2nd win ngayong season kontra defending champion La Salle.
Naniniwala si UP coach Godfrey Okumu na kung maglalaro sila bilang isang team at magiging matibay sa kanilang “mental focus,” malaki ang tsansa na manalo.Sa kabilang dako, itataya ng Lady Eagles ang naiposteng 7 dikit na panalo sa pangunguna ng mga beteranong sina Bea de Leon at Maddie Madayag kasunod ng record performance sa blocks sa nakaraang laban sa UST.
Sa unang laro, magtatangka ang FEU na kasalukuyang kasalo ng UP sa 3rd place hawak ang barahang 5-3, panalo-talo na masungkit ang ika-6 na panalo upang makasalo ng UST at DLSU sa 2nd place.
Para sa katunggaling Lady Warriors, sisikapin nilang makamit ang 3rd win upang patuloy na palakasin ang tsansang umabot ng susunod na round. (VA)





Comments