Kuril Island, niyanig ng magnitude 6.1
Jersey Sanchez
Mar 30, 2019
1 min read
TUMAMA ang Magnitude 6.1 na lindol sa bahagi ng Kuril Island, Russia.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), namataan ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Severo-Kurilsk.
Naganap ang pagyanig pasado alas-6:0 ng umaga (Philippine time).
Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung nagdulot ng pinsala ang pagyanig.





Comments