top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaparusahan sa sinumang magpapanggap na miyembro ng Philippine Red Cross para makapanghingi ng donas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Mayroon akong kaibigan na humihingi ng mga donasyon na diumano ay para sa Philippine Red Cross subalit, napag-alaman kong hindi naman pala siya konektado sa naturang organisasyon. Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito? — John

Dear John,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Sections 8 at 10 ng Republic Act (R.A.) No. 10072 na mas kilala bilang “Philippine Red Cross Act of 2009” kung saan nakasaad:

Section 8. Unlawful Solicitation. - It shall be unlawful for any person to solicit, collect or receive money, materials or property of any kind by falsely representing himself to be a member, agent or representative of the Philippine Red Cross.

xxx

xxx

xxx

“Section 10. Penal Clause. - Any person, whether natural or juridical, violating any section of this Act shall, upon conviction therefor, be liable to a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000) or imprisonment for a term not exceeding one (1) year, or both, at the discretion of the court for each and every violation. In case the violation is committed by a corporation or an association, the penalty shall devolve upon the president, director or any other officer responsible for such violation.”

Ibig sabihin, ipinagbabawal ng batas ang sinumang mag-solicit, mangolekta o tumanggap ng salapi, materyales o anumang ari-arian sa pamamagitan ng pagkukunwari na siya ay miyembro, ahente o kinaka­tawan ng Philippine Red Cross. Ang parusa sa nasabing gawain ay fine na hindi bababa sa limampung libong piso (P50,000) o pagkakakulong ng hindi hihigit sa isang (1) taon o parehong fine at pagkakulong, sang-ayon sa desisyon ng korte para sa bawat paglabag ng nasabing batas.

Sa sitwasyon na inyong inilahad, ipinagbabawal ng batas ang gawain ng inyong kaibigan na pagkalap ng mga donasyon para sa Philippine Red Cross, bagama’t, hindi naman siya konek­tado sa anumang paraan sa nasa­bing organisasyon, bilang miyembro, ahente o kinatawan nito. Maaari siyang mapanagot sa kanyang ginagawa at mapatawan ng nabanggit na parusa.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page