Kampanya sa local positions, start na mga pasaway, bantayan!


UMARANGKADA na kahapon ang kampanya ng mga kandidato sa lokal na posisyon.
Maaga pa lang ay maingay na sa kalsada.
Ang nakapanlulumo, nagkalat na naman ang mga basura at iniaasa na naman sa mga street sweeper ang paglilinis.
Sa rami ng bodyguards at supporters, puwede naman sigurong may italaga tayong tagapamahala sa maiiwang basura sa pangangampanya.
Isa pang paalala, dahil simula na ang local campaign period, ang mga hindi natanggal na posters ay maituturing na paglabag sa batas kaya puwedeng makasuhan ang kandidato.
Bago pa ang kampanya, talamak na ang iligal na paglalagay ng mga poster pero, ayon sa batas, sa campaign period lamang maaaring maparusahan ang kandidato.
Base sa Comelec rules, sa common areas o private properties lamang maaaring maglagay ng mga poster na ang sukat ay 3 feet by 2 feet.
Dapat ding nakabaklas na ang mga pangalan at larawan ng incumbent government officials na target ang reelection sa mga government property.
Bukod sa basura, apektado rin ang daloy ng trapiko ‘pag ganitong panahon ng kampanya.
Kaya dapat planuhin ang motorcades nang hind maging dahilan ng matinding trapik.
Mangampanya sa tamang oras para hindi makaperhuwisyo.
Ipakita natin na tayo ang solusyon sa mga problema ng ating nasasakupan at hindi promotor.
At bilang mamamayan at botante, sakaling may makita tayong paglabag, i-report agad ito sa Comelec o sa kanilang social media accounts at higit sa lahat, huwag nang bigyan ng pagkakataon ang mga pasaway na kandidato na makaupo sa puwesto.





Comments