top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Huli ni mister sa bahay ng lalaki | MISIS, KULONG

Janice Baricuatro
Mar 30, 2019
1 min read

IPINAKULONG ng mister ang kanyang misis na hinuli sa mismong bahay ng kinakasama nito sa Bgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Susan Mirabel, 32, may asawa, meat vendor, ng Bgy. Sikat, Alfonso, Cavite at kalaguyo na si Alvin Cuadra, 29, may asawa, driver, ng Bgy. Luksuhin Ibaba, ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng mister na si Rexter Mirabel , 37, technician, residente ng Bgy. Sikat ng nasabing bayan, mula Disyembre 2018, hindi na umano umuwi sa kanya ang kanyang misis at napag-alaman niya na sumama na ito sa suspek at nagsama.

Nang malaman nito kung saan nagtatago ang dalawa, dumulog ito sa pulisya at humingi ng tulong para ipaaresto ang dalawang suspek.

Alas-7:30 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek sa Bgy. Luksuhin ng nasabi ring bayan.

Kapwa nahaharap sa kasong adultery ang mga suspek na naka¬kulong na sa Alfonso Police Station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page