HOROSCOPE | MARSO 30, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 30, 2019 (Sabado): Habang pinipilit kang pabagsakin ng mga lihim at lantad mong kaaway, mas lalo kang itataas ng iyong kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aalalayan ka ng langit at ng mga malalapit mong kaibigan, kaya walang dahilan para mabigo ka sa mga layunin mo sa kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilalanin ka sa iyong galing at husay, pero ang nakapagtataka, ikaw mismo ay kulang ng tiwala sa sarili. Kapag nagtiwala ka sa iyong sarili, malayo ang mararating mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-25-28-30-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagbababala ang iyong kapalaran na sa araw na ito, puwede kang malunod sa saya, ibig sabihin, mas marami kang magagastos ng dahil lang sa iyong pagsasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-13-16-32-36.
CANCER (June 21- July 22) - Kahit hindi gaanong bilib sa iyo ang tao, siya ay susunod pa rin sa gusto mo. Ito ay dahil sa araw na ito, angat ka sa maraming tao kahit may kahinaan ka pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-22-25-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang suwertehin? Siyempre, oo, ang sagot mo. Pasayahin mo ang hindi mo kakilala. Hindi naman kailangang gumastos ka pa ng malaking halaga. Simpleng saya lang ay puwede na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-19-21-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang utak mo at bigla kang makakikita ng kakaibang pormula sa pagpapayaman. Pero, dahil mahina ang loob mo, ipinapayo sa iyo na ipahiram mo muna ito sa iba. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-9-16-26-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Minsan, nakatutuwa ang buhay sa mundo. Tulad ngayon, kahit pa nilalayuan mo ang tao hindi pa rin siya hihinto sa pagbibigay sa iyo ng mga magagandang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-20-25-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka ng iyong tahanan, pero ang utos na ito ay hindi simpleng bagay dahil ang tahanan na tinutukoy ay ang sarili mo, ibig sabihin, lumabas ka at maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-20-24-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka pa nakalilimutan ng taong minsan ng tumulong sa iyo na akala mo ay hindi ka tutulungan. Puwede kang muling lumapit sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang katuparan ng iyong malalaking ambisyon. Ang kailangan lang ay ang maging alerto ka, sunggaban mo ito kaagad kapag nasa harapan mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-13-16-27-33-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang lalaking kung anu-ano ang sinasabi. Kaya lang siya ganu’n dahil natatakot siyang mawala ka at agawin ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-15-28-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at mas lalo kang susuwertehin kung magsasaya ka, ibig sabihin, huwag mong bigyan ng halaga ang mga kabiguan at negatibong mga pangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-20-21-28.




Comments