top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Grabe ang init, mga kandidato, ingat sa stroke!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2019
1 min read

BINIBITIN pa ang pambibisto sa mga adik at tulak na celebrities.

Baka nagpapataas pa sila ng presyo?

◘◘◘

UNFAIR sa mga pulitiko, dapat ibunyag din ang drug addicts na mga taga-showbiz.

Akala ko ba, pan­tay-pantay ang pag­trato sa drug personalities?

◘◘◘

HABANG pinagta­tak­pan at kinukunsinte ang mga taga-showbiz, hindi titigil ang mga ‘yan sa panghihiram ng “talento” sa droga.

Peke lang ang ka­nilang husay kasi “durog” sila habang nagsu-shooting o nag­te-taping para sa kanilang programa!

◘◘◘

KUMPIRMADONG dumami nang todo ang mga Intsik sa Maynila.

Tiyakin ninyong hindi drug traf­fickers ang mga ‘yan!

◘◘◘

TODONG-TODO na ang init.

Maraming kandi­dato ang mai-stroke!

◘◘◘

PERA-PERA na lang ang eleksiyon sa maraming lugar.

Wasak na ang de­mo­­kratikong pro­seso!

◘◘◘

ALAM nating lahat na nababoy na ang de­mo­krasya sa Pilipinas.

Pero, walang ba­gong ideolohiya na maaaring ipalit dito!

◘◘◘

WALANG dapat sisihin kundi ang mis­mong mga botante.

Pero, ang mga botante ay mahirap ding sisihin kung nagbebenta man ng boto.

Kasi wala silang makain at hanap­bu­hay!

◘◘◘

ANG batayan ng panalo ay hindi kung sino ang pinakakuwa­lipikado o pinakama­husay.

Bagkus, ang mana­nalo ay kung sino ang mga pinakamaraming salapi na nagmula sa iligal na gawain!

◘◘◘

KUNG gayun, mali­naw na immoral ang karaniwang nauupo sa gobyerno.

Maaari silang mag­­wagi sa eleksiyon, pero ito ay hindi maituturing na wagas na tagumpay!

◘◘◘

WALANG linaw kung hanggang kailan mananatili o magiging grabe ang prosesong bumababoy sa demo­kras­ya.

Kahit sino ang may hawak ng poder, mag­nanakaw lang ‘yan para makaipon ng pambili ng boto tuwing eleksiyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page