Construction worker timbog sa shabu

KULONG ang construction worker matapos makuhanan ng shabu sa loob ng sementeryo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Ronald Ligoy-Ligoy alyas “Nonoy”, ng Bgy. Tugatog.
Ayon kay P/Col. Tamayao, alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 4 sa loob ng Tugatog Cemetery nang makita ang suspek na abala sa pagbusisi ng hawak na plastic sachet.
Nilapitan nina Pat. Ramon Dalo at Pat. Khenn Brent Visca ang suspek saka inaresto at nakumpiska ang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.





Comments