top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Company driver binaril sa ulo

  • Mylene Alfonso
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang com­pany driver matapos tamba­ngan habang sakay ng kan­yang motorsiklo, kamaka­lawa sa Port Area, Manila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Paulino Saquine, 44, com­pany driver, residente ng Ba­seco Compound, Port Area, sanhi ng isang tama ng bala sa ibabaw ng ulo na tumagos sa kanyang kaliwang pisngi.

Nakatakas naman ang hindi kilalang suspek, bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay.

Batay sa imbestigasyon ni P/CMS Jonathan Bau­tista, alas-8:45 ng umaga, lulan ang biktima ng kan­yang motorsiklo at papasok na sa trabaho nang harangin ito ng suspek.

Agad na pinaputukan ng suspek ang biktima na tina­maan sa ulo.

Naglakad lamang na tu­makas mula sa crime scene ang suspek, patungo sa di­rek­siyon ng Block 5 Exten­sion.

Agad namang dinala ng concerned citizens ang bik­tima sa nabanggit na ospi­tal pero, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Patuloy namang iniim­bes­tigahan ng pulisya ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page