top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bahay ng mayor ni-raid, armas at bala nakumpiska

  • Jeff Tumbado
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

SA unang araw ng pag-arangkada sa local campaign para sa 2019 elections, isinagawa ang pagsalakay ng pulisya sa isang bahay ng kasalukuyang alkalde sa Cotabato City na nasamsaman ng armas at bala.

Armado ng search warrant, ikinasa ang operasyon ng PNP-Regional Intelligence Division (RID) at Cotabato City Police Office laban kay Mayor Egidio Cadungon sa Bgy. Lampayan at sa Bgy. Poblacion dahil sa umano’y mga itinatagong bulto ng armas.

Nakumpiska sa bahay ni Cadungon sa Bgy. Poblacion ang isang kalibre 45 na baril, magazine at may isang bala na walang dokumento. Gayunman, wala namang nakuhang armas sa isa pang bahay ng alkalde sa Lampayan na una ng hinihinalang naroon ang iba pang iniimbak na matataas na uri ng baril.

Nasa kustodiya na ng Antipas Police Office ang opisyal habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Itinanggi naman ni Police Captain Bernard Abarquez ang akusasyon ni Cadungon na politically motivated ang operasyon. Ayon kay Abarquez, ang regional office ng PNP ang nagsagawa ng pagsalakay at umasiste lamang sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page