top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

7 months ding tumagal... KEN, NAIYAK NA BABU NA ANG SERYE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

NAGING emosyonal si Ken Chan sa pama­maalam sa ere kahapon ng My Special Tatay na pitong buwan ding napanood sa TV. Napakalakas ng impact ng My Special Tatay na hinigitan na ang record ng Destiny Rose kung saan napansin ang kanyang galing sa pag-arte.

Dati-rati ay “Destiny Rose” ang tawag sa kanya kahit saan siya magpunta. Naging idolo siya ng LGBT community dahil sa kanyang gay role sa nabanggit na serye.

Pero ngayon, “Boyet” na ang tawag ng lahat kay Ken Chan dahil sa mapuso niyang pagganap sa My Special Tatay. May mental disability at isip-bata ang role ni Ken sa MST. At swak ang team-up nila ni Rita Daniela bilang si Aubrey na isang pokpok.

Maraming viewers ang nakisimpatya sa naging buhay ni Boyet kaya namayagpag ito sa ratings. Hahanap-hanapin at mami-miss tiyak ni Ken Chan ang My Special Tatay at ang masayang samahan ng buong staff at crew.

Maraming oportunidad ang dala ng MST kina Ken Chan at Rita Daniela. May concert sila sa Music Museum sa Mayo at makakasama pa sila sa Pinoy TV show sa USA with Julie Anne San Jose, Lani Misalucha, Mark Bautista, atbp..

Hiling ng BoBrey fans sa GMA, bigyan agad ng follow-up project sina Ken at Rita.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page