top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tserman na lider ng gun-for-hire group, timbog

Levi Gonzales
Mar 29, 2019
1 min read

TIKLO ang barangay chairman matapos salakayin ng awtoridad ang kanyang bahay sa Bgy. San Agustin, Ibaan, Batangas.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng hukuman, hinalughog ng pulisya ang bahay ng suspek na si Emiliano Barte, kasalukuyang tserman ng naturang lugar.

Narekober sa kanyang pag-iingat ang 1 cal. 45 baril, 2 magazines ng cal. 45 at 32 bala.

Siya rin umano ang lider ng Barte Criminal Group na sangkot sa gun-for-hire at siya rin umano ang nagsusuplay ng mga armas sa nakaupong alkalde ng Bayan ng Ibaan, Batangas na isinangkot ng pangulo bilang isa sa mga narco-politician.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page