top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-tanggol sa utol… GRETCHEN, IDEDEMANDA ANG NAGKAKALAT NA MAY UTANG SI CLAUDINE KAY JINKEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2019
  • 2 min read

NILINAW na ni Claudine Barretto ang umiikot na tsismis ngayon na may malaking pagkakautang siya kay Jinkee Pacquiao, misis ng Pamban­sang Kamao at senador na si Manny Pacquiao.

Sa kanyang Instagram Live last March 27, paulit-ulit na pinabulaanan ni Claudine ang balita.

“Mag-live ako ngayon kasi may lumalabas na chismis na meron daw akong utang kay Jinkee Pacquiao, who is my kumare. Manny is Sabina’s godfather at ninang naman ni Santino si Miss Jinkee Pacquiao, so kumare ko talaga ‘yan, sobrang bait,” simula ni Claudine.

Lately, may mga lumalabas na baon daw ako sa utang kay Jinkee Pacquiao at lumalabas din na meron kaming business or transaction na pinasukan na hindi nag-prosper. Parang ganyan and baun-baon ako sa utang.

“Alam n’yo ho, sa una kasi, hindi mo naman talaga papansinin ‘pag gan­yan, ‘di ba? Kaya lang, minsan ‘pag ‘di na ma­matay-matay ‘yung tsismis, na­ka­ka-bother na rin. Unang-una kasi, naka­kahiya, nada-drag ‘yung pangalan ni Jinkee,” sabi pa ni Claudine.

“Ako, kaklaruhin ko ngayon pa lang, wala po akong kahit na anong utang kahit kanino, kahit kay Miss Jinkee Pacquiao na kumare ko,” patuloy niya.

“Hindi po ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera, so, sana, ma­tapos na ‘yung tsismis na ‘yan. Alam namin kung saan ‘yan nanggagaling,” sey pa ni Claudine.

Sa nasabing IG Live ay pasingit-singit din ang ate niyang si Gretchen Barretto para ipagtanggol at suportahan siya.

Ayon kay Greta, mayroon daw silang mga gustong sabihin pero nagpipigil lang sila. Sinabi rin ni Greta na ku­mo­konsulta pa muna sila ng lawyer at nag­pahaging ng pagdedemanda.

There are things that we want to clear because kailangan, and there are also some things na kailangang idaan din sa lawyer, na we’d rather not talk about it yet, ‘di ba? Para fair ‘yung trial na ‘yun, kung anuman ‘yung trial na ‘yun, na I feel like Claudine wants to clear her name and get justice,” sabi ni Gretchen.

Sumang-ayon naman si Claudine at aniya, “Yes, at the right time, magugulat ho kayo sa mga pangyayari sa buhay ko, pero may mga panahon na dapat hin­di ka na rin maging quiet kasi kaila­ngang marinig ng mga tao ang boses mo.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page