Pusher todas sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 29, 2019
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Market View, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Domingo Amor, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Amor na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng droga kaya binaril nito ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments