top of page
Pokwang.jpg

Pagkamatay ng BFF ‘di kinaya | LALAKI, TUMALON MULA ROOFTOP NG CONDO, TODAS

Gina Pleñago
Mar 29, 2019
1 min read

HINIHINALANG matinding depresyon ang nagtulak sa 35-anyos na lalaki na tapusin ang kanyang buhay makaraang tumalon mula sa rooftop ng condominium sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Nagawa pang maisugod sa Saint Luke’s Hospital ang biktimang si ‘Karlhenz’.

Ayon sa ulat ni Taguig City Police Chief Senior Supt. Alexander Santos, natagpuan ang katawan ng biktima sa perimeter garden area ng TRION Tower sa 8th Avenue panulukan ng McKinley Parkway, Bonifacio Global City, alas-11:50 ng gabi.

Unang narinig ng guwardiyang si Jomiel Panahon ang kalabog sa lugar kaya agad nitong pinuntahan at dito natagpuan ang duguang biktima kaya dali-daling dinala sa ospital subalit, binawian din ito ng buhay.

Ayon kay Sr. Supt. Santos, namatay umano ang isang malapit na kaibigang lalaki ng biktima na sinasabing ikinalungkot nito nang labis. Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page