Inawat sa videoke | 84-ANYOS PUMATAY


TODAS ang isang tanod matapos umanong barilin ng 84-anyos na lolo na inawat umano sa pagbi-videoke dahil sa ingay sa Talisay Ciy, Cebu.
Kinilala ang naarestong suspek na si Wenceslao Vallejo, 84.
Depensa ng suspek, sinugod at binugbog siya ng biktima.
Nasawi naman sa isang tama ng bala ng baril sa puson ang tanod na si Henry Cañedo, 45, residente ng Bgy. Biasong.
Base sa imbestigasyon, pinatigil ni Cañedo sa pagbi-videoke si Vallejo dahil nagdudulot umano ito ng ingay.
Nagalit umano ang matanda at binaril ang tanod.
Paliwanag naman ng matanda, nakainom si Cañedo nang pumunta sa kanyang bahay at sinaktan siya.
Hindi rin umano sa kanya ang baril na pumutok nang mag-agawan sila.
Samantala, mahaharap si Vallejo sa reklamong illegal possession of firearm at frustrated murder. (BRT)





Comments