FIBR, NILAMOG ANG UVC, 2X-TO-BEAT NA SA Q’FINALS; BLAZE SA 13TH WIN

IPINAMALAS ni Kendra Dahlke ang kanyang lakas nang pangunahan ang PLDT Home Fibr sa isang nakagigitlang 25-23, 25-16, 25-22 na panalo laban sa United VC sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Naharap kontra dating Arizona teammate Kalei Mau, binitbit ni Dahlke ang Power Hitters sa panalo at pormal na kinuha ang ikatlong twice-to-beat incentive sa quarterfinals ng prestihiyosong women’s club tournament.
Nagpakawala si Dahlke ng 21 kills, 2 blocks at ace para sa 24 points habang si Grace Lazard ay may 15 marka at may 9 puntos si Aiko Urdas para sa PLDT, impresibo rin ang performance ni Jasmine Nabor na may 24 excellent sets sa 18 digs at 3 attacks.
Sa panalo, nasa 3rd na ang Power Hitters sa hawak na 8-6 win-loss card, pero hindi pa tiyak ang spot dahil ang 4th placer na Cignal HD Spikers ay puwedeng kunin ang puwesto kung mananalo kontra F2 Logistics sa three o four sets sa Huwebes.
Lagpak naman ang United VC sa 6-6 at dapat manalo sa huling 2 laban para sa huling quarterfinal bonus. “We needed this win because we want to avoid falling into fifth place. That could be a tough position for us,” ani PLDT head coach Roger Gorayeb. “I told them that as much as possible, we have to win in three sets to improve our ranking. I’m glad that the players responded well.”
“It was a lethargic first set for us. I’m happy that my wards showed their determination to win this important game. That was a losing set already, but they did everything to shift the momentum,” ani Gorayeb.
Pinangunahan nina Dahlke at Lazard ang mahigpitang paghahabol sa third set upang bigyan ang Power Hitters ng 23-18 lead.
Sa kabilang banda, nakagawa sina Bedart-Ghani ng 21 habang si Mau ay may 18 marka at 20 excellent receptions para sa United VC, bagamat wala sa laro si import Tai Manu-Olevao. Samantala, ika-13 panalo na ang nakuha ng Petron Blaze Spikers nang magwagi sa 25-21, 25-12, 25-20 kontra Sta. Lucia sa second game. Namuno pa rin sa laro sina imports Stephanie Niemer at Katherine Bell para sa Blaze na napantayan ang 13-game winning streak na napagwagian nila sa All-Filipino title noong 2015 at 2017. Laro Bukas: (FilOil Flying V Centre) 4:00 p.m. – F2 Logistics vs Foton 6:00 p.m. – Petron vs United VC.





Comments