top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Drug testing sa mga artista, now na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2019
1 min read

HINDI magiging epektibo ang “war on drugs” hanggat may mga sangkot na hindi pa rin nahuhubaran ng maskara.

Hindi sapat na hanggang ‘blind item’ lang at tila sinasabik ang taumbayan sa panghuhula.

Kaya ang payo ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa mga TV network at film outfit, magsagawa ng ‘internal cleansing’.

Magkusa na raw ang mga network at film industry na linisin ang kanilang hanay.

Kailangang magsagawa ng surprise at mandatory drug testing sa kanilang mga artista.

Puwede naman daw gawing confidential at hindi ilalabas sa publiko ang resulta.

Kaugnay ng nasabing panukala, plano ng PDEA na sulatan ang mga TV station at film company para pormal na hilingin ang pagsasagawa ng nasabing internal cleansing.

Maaari rin umano nilang idaan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang liham para ang ahensiya na ang magsabi sa mga TV network at film industry.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng ahensiya na ready silang tumulong sa gagawing drug testing sa pamamagitan ng paglalaan ng testing kits at pagtulong sa kanilang mga tauhan.

Ang mahalaga, magkaalaman na kung sino sa mga artista na iniidolo ng publiko ang lulong o gumagamit ng droga para magkaroon na rin sila ng pagkakataong makapagbagong-buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page