Cook sa hotel timbog sa mga baril
- M. Santos
- Mar 29, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang isang mister matapos makuhanan ng mga baril sa pamamagitan ng search warrant na ipinatupad ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Mardi Padua, 48, cook sa Peninsula Hotel at residente ng Bgy. Santolan.
Ayon kina PS/Sgt. Richard Andrew Calaycay at PSSgt. Philip Cesar Apostol, alas-6:50 ng gabi nang ipatupad ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 at Station Intelligence Branch (SIB) sa pangunguna ni PLT Zoilo Arquillo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Tamayao ang search warrant na inisyu ni Ma. Antonia Largoza-Cantero Executive Judge Regional Trial Court ng Malabon City kontra sa suspek sa presensiya nina Bgy. Kagawad Frank Pastrana at Bgy. ex-O Enrique Manlapaz ng Bgy. Santolan.
Ani P/Col. Tamayao, nakumpiska sa suspek ang tatlong .9mm pistola, anim na magazines at 75 piraso ng bala ng mga ito.





Comments