Biktima sinundan sa CR | HOLDAP SA SHANGRI-LA MALL
- Madel Moratillo
- Mar 29, 2019
- 1 min read

SA kulungan ang bagsak ng 42-anyos na lalaki matapos ireklamo ng panghoholdap umano sa loob ng isang mall (Shangri-La Plaza Mall) sa Barangay Wack-Wack, Mandaluyong City kamakalawa.
Sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, bandang alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng comfort room sa ikalimang palapag ng nasabing mall sa EDSA.
Sa salaysay ng biktimang si Kevin Ryan Ocampo, 26, nagtungo siya sa CR ng mall sa ikalimang palapag upang umihi nang sundan siya ng suspek na si Frederick Gacer, 42, saka nagdeklara ng holdap.
Puwersahan umanong kinuha ng suspek ang kanyang wallet at nang makuha ang laman na P500 ay kaswal lamang na umalis ang suspek at nagtungo sa unang palapag ng mall.
Hinabol naman ng biktima ang suspek at humingi ng tulong sa mga security guard ng mall, na nagresulta sa pagkakaaresto nito at pagkabawi ng kanyang pera.
Kasong robbery hold-up ang kakaharapin ng suspek.





Comments