3 sanggol ipinapanganak kada minuto — POPCOM | PAMILYANG PURDOY, LALONG DARAMI

MAY tatlong sanggol na ipinapanganak sa bansa kada minuto.
Kaya naman nangangamba ang Commission on Population (POPCOM) na kung magpapatuloy ito ay tataas ng 2 milyon ang populasyon sa bansa sa loob lang ng isang taon.
Ayon kay POPCOM NCR Director Dr. Lydio Español, Jr., mula sa 107 milyong populasyon noong 2018 posibleng umabot sa 109 ang populasyon ng bansa bago matapos ang taon.
Ayon kay Español, sa urban areas ang dapat na bilang ng sanggol na ipinapanganak ay dalawa lamang.
Gayunman, dahil sa kabiguang mag-family planning, hindi ito nangyayari kung saan ang iba ay may 5 o higit pang anak.
Kaya naman ayon kay Español, kung mas maraming anak ay mas malaki ang posibilidad na maging ‘prone’ ang pamilyang ito sa kahirapan.
Sa middle at lower class na pamilya ay nasa 46% lang aniya ang nagpa-family planning na masyadong mababa sa target nila na 65% man lang.





Comments