23 patay sa pagbaha sa Iran
PATAY ang 23 katao habang 200 ang sugatan sa pagbaha sa timog at kanlurang bahagi ng Iran.
Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad na ipagpaliban ng mga residente ang pag-alis sa kani-kanilang tahanan dahil sa patuloy na pag-ulan.
Gayunman, nagbigay ng abiso ang Ministry of Interior na seryosohin ang mga ipinadadalang text message ng Disaster Management Organization upang balaan ang mga residente na iwasang dumaan sa mga lugar na may baha, partikular ang mga bundok at ilog.
Inilagay sa high alert level ang 12 probinsiya dahil inaasahan ng mga ito ang pagtaas ng lebel ng baha.





Comments