Sakay ang 122 estudyante at crew | AIR FORCE PLANE, NAGLIYAB
- Jeff Tumbad
- Mar 28, 2019
- 1 min read

NASUNOG ang isang C-130 Hercules plane ng Philippine Air Force habang ito ay papalapag sa runway ng Clark International Airport sa Clark City, Pampanga, Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Air Force Spokesman Major Aries Galang, nagsimulang lumiyab ang apoy sa landing gear ng eroplano, alas-7:00 ng umaga.
Agad naapula ang apoy at walang nasaktan sa insidente.
Napag-alaman na may 122 pasahero ang naturang eroplano, kabilang ang 115 estudyante ng National Defense College of the Philippines (NDCP) at pitong crews nito.
Nakatakdang pumunta sa Palawan ang eroplano nang mangyari ang insidente.
Gayunman, agad dinala sa maintenance hub ng air force ang eroplano para isailalim sa masusing pagkukumpuni habang inaalam pa sa imbestigasyon ang dahilan ng pagkasunog nito.





Comments