top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sagipin ang nabubulok na Maynila

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2019
2 min read

BIRTHDAY ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon.

Hapee beerdey!

◘◘◘

PERO hindi siya puwedeng mag-celebrate sa paligid ng Malacañang at alinmang lugar sa Maynila.

Kasi nakahihiya sa kanyang mga panauhin, marumi ang paligid!

◘◘◘

KAHIT saan tayo magpunta sa Maynila, ubod nang baho.

Sa kahabaan ng Avenida Rizal, Quiapo, artery road sa Pedro Gil, partikular ang Onyx, ginawang lababo at iskuwater ang gitna ng kalye!

◘◘◘

ANONG bahagi ng Maynila ang malinis at mabango tulad sa Global City o kahit sa Makati?

Ito mismo ang repleksiyon sa patakbo sa Manila City Hall!

◘◘◘

MARAMING kawani ang hindi nakasusuweldo sa city hall.

Eh, bakit?

Hindi si “Erap” ang nagpapatakbo ng city hall.

Isa itong paniwalaan-dili!

◘◘◘

MAHABA na ang pananatili ni “Erap” sa Maynila, pero nanatili itong bulok.

Nagkalat ang mga vendor sa gitna ng kalye, nariyan din ang mga isnatser at holdaper.

Hindi maubus-ubos ang mga adik sa paligid at nagkalat ang mga batang gusgusing at taong-grasa!

◘◘◘

Nakahihiya sa turismo ng bansa ang Maynila.

Maraming daga sa paligid, kahit ang mga turistang nagtse-check-in sa mumurahing hotel ay nandidiri sa mga daga na kanilang nakikita.

Hindi nahahakot ang mga basura sa paligid.

Tingnan ninyo ang buong Carriedo, Recto at ilalim ng mga LRT Station — nangangalingasaw ang amoy.

Isa itong katotohanan na ang mismong Manilenyo ang saksi!

◘◘◘

SCRIPTED lang ang paglilinis ni “Erap”, walang malinis na lugar sa Maynila kahit ang paligid ng city hall at sa buong Plaza Lawton, marumi ang paligid.

Walang maayos at disenteng imprastruktura ang Maynila kumpara sa matatayog na mall, gusali o pasyalan sa ibang siyudad.

Kaawa-awa ang mga residente rito.

Naiiwan ang Maynila sa kabihasnan!

◘◘◘

NAKAPANGHINAYANG ang Luneta Park, National Museum, Intramuros, Ayuntamiento de Manila at mismong paligid ng Malacañang Palace.

Isa nang maruming Lungsod ang Maynila, hindi ito moderno tulad sa mga dakilang siyudad sa daigdig.

Tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page