Para ngayong taon, eh, kalat no more… TIPS SA PAG-AAYOS NG MGA GAMIT

NAKAI-STRESS makakita ng tambak na kalat sa loob ng bahay, ‘di ba? Kung minsan, eh, nagiging dahilan pa ito para tamarin tayong kumilos at tapusin ang mga dapat nating gawin. Pero, mga beshy, say no more sa mga nakatambak nating kagamitan dahil narito na ang steps kung paano ninyo maililigpit ang inyong kagamitan:
1. VISUALIZE. Bago mo tuluyang simulan ang pagde-declutter, beshy, subukan mong isipin ang magiging hitsura ng bahay mo kapag malinis at wala nang mga nakatambak na gamit. Gayundin, ang oras at energy na matitipid mo dahil hindi mo na kailangang maghalungkat araw-araw sa tuwing may hinahanap kang gamit. Ang sarap sa mata at kalmado, ‘di ba? Samantala, inirerekomenda rin natin ang pagkuha ng litrato ng before at after ng inyong paglilinis nang sa gayun ay makita mo ang proseso nito at magsilbi itong motibasyon para ipagpatuloy mo ang iyong pagsisipag. Naks!
2. STORAGE SOLUTIONS. Kung wala ka pang paglalagyan ng mga gamit mo, huwag ka munang bumili ng mga ito hangga’t hindi ka pa tapos mag-declutter. Posibleng magdagdag pa ng mga kalat ang hindi magagamit na storage boxes kapag hindi mo nagamit ang mga ‘yan. Oh, no! Kaya, beshy, gawin mo ito kapag nakapagdesisyon ka na kung ano ang mga bagay na itatabi mo at idi-dispose. Sa ganitong paraan, makikita mo kung gaano karaming storage box ang kakailanganin mo para maitabi ang mga ito. Copy?
3. FOUR-PILE RULE. Habang nagde-declutter ka ng iyong kagamitan, mabuting magkaroon ng apat na kahon. Bakit? Ito ay para sa mga gamit na iyong itatabi, ido-donate, ibebenta at itatapon. Sa ganitong paraan, mas mabilis mong malalaman kung anu-ano ang mga dapat mo pang itabi at gaano karaming storage ang kakailanganin mo. Astig, ‘di ba?
4. SLEEP. Ayon sa mga eksperto, ang tambak na kagamitan at kalat ay posibleng sanhi sa pagkakaroon ng hindi mahimbing na tulog sa gabi dahil hindi nawawala sa ating isipan ang mga bagay na hindi natin natapos tulad ng paper works at tambak na labahin. Upang maiwasan ito, sa iyong pagde-declutter, mabuting ilipat ng lugar ang iyong laundry basket at working table. Okie?
5. RECYCLE OR RE-PURPOSE. Kung pinal na ang desisyon mong hindi na gamitin ang iba mong damit, make-up o sapatos, why not na i-recycle ang mga ito sa pamamagitan ng pagdo-donate? For sure, mapakikinabangan mo pa rin ang iyong kagamitan dahil marami tayong kababayan na nangangailangan, kaya gora ka na sa mga organisasyon na konektado sa pagtulong sa mga kababayan natin.
6. FIND EVERYTHING A HOME. Habang nasa proseso ka ng pagde-declutter, huwag mong kalimutan na ang lahat ng bagay ay may dapat kalagyan o paggamitan. Kung hindi ka sigurado sa posible pang paggagamitan ng bagay na mayroon ka, siguradong ito ay magiging tambak lamang sa iyong bahay.
Sobrang easy lang mag-declutter, mga beshy, ‘di ba? Sundin lamang ang steps na ito nang sa gayun ay hindi na kayo ma-stress sa kaiisip kung paano ninyo aayusin ang mga gamit ninyo sa bahay.
Gets mo?





Comments