top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May katatagpuin | ABOGADA PINAGSASAKSAK, TODAS

  • Gina Pleñago
  • Mar 28, 2019
  • 1 min read

NAPATAY sa saksak ang abogada ng hindi pa kilalang salarin sa Bgy. Talon 5, Las Piñas City, kahapon ng madaling-araw.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center sanhi ng ilang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Charmaine Mejia y Pelayo, 31, ng Bgy. New Zaniga, Mandaluyong City.

Base sa ulat na nakarating kay Las Piñas City Police Chief Senior Supt. Simnar Gran, nangyari ang pananaksak sa harapan ng FDJ Appartel sa Marcos Alvarez Avenue, Bgy. Talon 5 ng nasabing lungsod, alas-3:30 ng madaling-araw.

Base sa ulat ng pulisya, mayroon umanong katatagpuin ang biktima sa naturang lugar na posibleng ito ang may gawa ng krimen.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na isa ring abogada, bago mangyari ang insidente, tumawag sa kanya ang kapatid na pupunta sa Las Piñas dahil may kakausapin.

Ilang oras ang nakalipas, muling tumawag ang biktima at sinabi sa kanyang kapatid na nasaksak siya.

Nalaman na lamang niyang binawian ng buhay ang kapatid sa nasabing pagamutan.

Nawawala ang bag ng biktima na naglalaman ng mahalagang gamit.

Isang cellphone ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente kung saan dito nakita ang palitan ng mensahe sa text sa bawat isa sa kanila.

May nabasa kami sa text na pinamamadali ang biktima ng kanyang kausap na dumating at dahil sinabing gabi na,” ani Gran.

Nabatid pa nang magtungo ang biktima sa nasabing lugar ay lulan siya ng kanyang sasakyan na Nissan Sedan.

Blanko pa rin ang pulisya na matukoy kung sino ang katagpo ng biktima sa naturang lugar.

Inaalam pa kung nahagip ng close circuit television (CCTV) camera ang pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page