Magnitude 6, tumama sa Alaska
Jersey Sanchez
Mar 28, 2019
1 min read
TUMAMA ang Magnitude 6 na lindol sa Alaska, USA.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig sa layong 258 kilometers mula Kotzebue dakong alas-5:27 ng umaga (Philippine time).
Unang naitala ang Magnitude 5.5 na lindol ngunit, itinaas din sa Magnitude 6.
Gayunman, walang itinaas na tsunami alert matapos ang pagyanig habang patuloy na inaalam kung nagdulot ito ng pinsala.





Comments