LETRAN, NAKA-3RD WIN NA VS. ENDERUN SA D-LEAGUE


NAITALA ng Petron-Letran ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos ang 77-70 paggapi sa Family Mart-Enderun kamakalawa sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.
Nagsalansan ng 24 puntos si Alvin Pasaol bukod pa sa 10 rebounds, at 3 rejections upang pamunuan ang Knights sa pag-angat sa ikalawang puwesto ng Aspirants Group sa hawak na 3-1 baraha kapantay ng Cignal-Ateneo at Che’Lu Bar and Grill.
“We’re still learning. It’s a good win for us against a school-based team. Again, natututo pa rin kami every game,” wika ni coach Bonnie Tan.
Mula sa 52-66 na pagkakaiwan, humabol pa at dumikit ang Titans, 68-74, sa pamumuno nina Valandre Chauca at John Vidal ngunit 16.8 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laban.
“Enderun played well, gave us good defense na ‘di namin ine-expect. Medyo na-rattle kami pero gusto ko lang malaman ng mga bata na we have to be composed sa mga ganoong situation,” ayon pa kay Tan. Nanguna si Chauca sa nanatiling winless na Family Mart-Enderun (0-4) sa ipinoste niyang 22 puntos, 5- assists at 4 rebounds. (VA)





Comments