Koreano nagbigti sa doorknob patay

HINIHINALANG nagbigti ang isang Korean national nang madiskubre ang bangkay nito sa loob ng tinutuluyan nitong condo-hotel, kamakalawa sa Makati City.
Sa report ng Makati City Police, alas-6:40 kamakalawa ng gabi nang madiskubre ang bangkay ni Kim Jongoo, 30, sa loob ng tinutuluyan nito sa 1912 Oxford Suite, Bgy. Bel-Air ng naturang lugar na nakabigti sa doorknob ng comfort room ng kuwarto nito ng naka-duty na guwardiya na si Peter Nunagan.
Agad ipinagbigay-alam ng staff ng condo-hotel na si Crizza Gonzales ang insidente sa himpilan ng Makati City Police.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo (Marso 24).
Ipinaalam na ng mga awtoridad sa Korean Embassy ang insidente at patuloy pa itong iniimbestigahan.





Comments