top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | MARSO 28, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 28, 2019 (Huwebes): Mapabi­bi­lang ka sa mga masusu­werteng nilalang na pala­ging inaalalayan ng la­ngit, umaangal ang iba da­hil ayon sa kanila, pinag­dara­mutan sila ng su­werte.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang bu­hay mo da­hil hindi makabubuti sa tao ang sobrang seryoso at tu­tok na tutok sa ma­teryal na mga bagay. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-30-32-36-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanap ka ng aaliw sa iyo tulad ng masa­yahing kaibigan, maharot at palabiro. Hindi puwede na manatili ka sa lungkot sa mahabang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-24-34-38-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Sa iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang da­rating, pero habang nag­sasaya ka, hindi mo dapat kalimutan ang pagha­han­da sa iyong kinabu­kasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-23-25-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Makaba­ba­hagi ka sa mga suwer­teng ihuhulog ng langit at para mas malaki at marami ang mapasaiyo, pasayahin mo ang mga na­ngangaila­ngan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-21-28-32-38-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag­pakababa ka at itataas ka ng langit. Pa­ta­tagin mo ang iyong ka­buhayan nang sa gayun ay hindi ka madaya ng iyong kapwa. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-20-27-32-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang nag­sasaya ka, ku­muha ka ng magagandang pormula ng tagumpay sa mga ta­ong iyong makadada­upang-pa­lad at ang pinakamaha­laga sa lahat ay ang isabuhay mo ito. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-14-15-26-30-36-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kai­langan ang magarbong kasuotan dahil kahit sim­ple ka lang, hindi pa rin magiging simple ang iyong kagandahan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-8-14-27-39-41-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim kang mag-isip. Lalayo sa iyo ang mga taong mababa­baw. Huwag mo itong ika­lungkot dahil sa pakiki­sama at pakikipagkai­bi­gan sa kanila, ikaw ay ma­iirita. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagda­mutan ang iyong sarili. Masyado ng ma­ta­gal ang iyong pagsasak­ripisyo. Mas magandang makipag-ugnayan ka sa alam mong sasaya ka. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-18-29-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipanga­ko ang bukas. Ngayon mo na kaila­ngang itodo ang lahat ng kaya mo at kung duma­ting ang bukas, puwede ka ng mamahinga sa ma­sarap mong buhay. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-25-27-34-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumala­kas ang mga pa­lakontra, baka mahawa ka at sa huli ay maging kontrabida ka ng sarili mong buhay kung saan ang magagandang bagay ay iyong aayawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-8-14-18-21-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masa­ma ang mag­ta­nong, ang hindi maganda ay ang wala ng alam, pero ayaw pang magtanong. Huwag kang magkunwaring ma­talino sa bagay na bago lang naman sa iyo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-16-27-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page