top of page
Pokwang.jpg

Ex-soldier natagpuang patay

Pabs Hernandez III
Mar 28, 2019
1 min read

PANGASINAN—Isang dating sundalo ng Philippine Army (PA) ang natagpuang patay sa taniman ng mais, kamakalawa sa Bgy. Angio, San Fabian sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si retired Army soldier Alberto Lumandas, nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga malalaking sugat sa katawan sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, kilala na ng pulisya ang mga suspek at hindi muna sila pinangalanan hangga’t hindi nadarakip ng mga awtoridad.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page