Estudyante todas sa 2 armado
Pabs Hernandez III
Mar 28, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang 28-anyos na estudyante ang napatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa bayan ng Pikit sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Mudjahib Tayod, residente sa nasabing bayan.
Nabatid na nakatayo umano si Tayod sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Tayod.





Comments