top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babala sa OFWs | PEKENG STAMP AT PIRMA SA OEC, BUKING

June Simon
Mar 28, 2019
1 min read

HINDI pinaalis ng bansa ang isang overseas Filipino worker (OFW) dahil sa fake clearance ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Napag-alaman na pinasok na ng sindikato ang pamemeke ng stamp at pirma ng POEA personnel sa airport upang subukang makalusot sa Immigration officers at mapaniwalang tunay ang employment papers ng hindi pinangalanang pasahero.

Nagbabala si Bureau of Immigration-Port Operations Division Chief Grifton Medina sa mga OFW na huwag basta-bastang kumakagat sa alok ng mga illegal recruiter dahil hindi ito makalulusot sa Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Aniya, nakatakda nang sumakay ng Cathay Pacific flight patungong Dubai ang pasahero noong Linggo nang masabat ito ng mga miyembro ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa NAIA Terminal 3.

Nang tanungin ng Immigration officers ang naturang pasahero para ipa-validate ang kanyang hawak na overseas employment certificate (OEC) sa POEA counter, agad itong lumabas para lapitan ang kanyang handler na nag-stamp at pumirma sa OEC.

Dahil agad naayos ang OEC, dito nagduda ang BI officers at ipina-verify ang dokumento ng OFW sa POEA counter.

Laking-gulat ng POEA personnel sa nakitang OEC dahil aniya, hindi pa ito pumipirma ng OEC makaraang dumating sa airport para mag-duty.

Inamin ng pasahero sa BI na tinanggap lamang nito mula sa kanyang handler ang OEC, job contract at working visa ilang oras bago ang kanyang flight.

Dagdag pa ng OFW, inatasan siya ng handler na pumila sa check-in ng airlines bilang turista ngunit, pumila ito sa Immigration lane para sa OFWs saka ipinakita ang mga dokumentong ibinigay ng handler.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page