Away sa schedule | TRUCK DRIVER KNOCKOUT SA KABARO

SA ospital ang bagsak ng truck driver matapos suntukin sa mukha ng kapwa driver nang magtalo hinggil sa kanilang schedule ng pagmamaneho sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Ayon kina police Investigators PO3 Roldan Angeles at PO2 Joenel Claro, alas-8:00 ng umaga, nagkaroon ng pagtatalo sina Randy Rivas, 41, at ang suspek na si Felicisimo Indoy Baes, Jr. alyas “Saging”, 45, sa harap ng barracks ng biktima sa loob ng UBT trucking Corporation Compound sa Bgy. Potrero.
Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa umawat ang naka-duty na security guard na si Keneath Jiel Baguio, 23.
Gayunman, nagawang masuntok ng suspek sa mukha ang biktima na naging dahilan upang bumagsak sa semento at mawalan ng malay.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center kung saan ito kasalukuyang naka-confine.





Comments