top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5,281 dedo sa anti-drug war

V. Reyes
Mar 28, 2019
1 min read

PUMALO na sa kabuuang 5,281 indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang napatay sa tuluy-tuloy na giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Spokesman Derrick Carreon, maliban sa bilang ng mga napatay ay mayroon pang 176,021 drug suspects ang naaresto sa 123,441 operasyon na inilunsad ng mga awtoridad mula noong Hulyo 1, 2016.

Sa mga naaresto, 638 ang mga taga-gobyerno kung saan 264 sa kanila ay mga halal na opisyal, 74 uniformed personnels at 300 empleyado.

Aabot naman sa kabuuang 3,735.27 kilos ng shabu na nagkakahalagang P21.41 billion ang nakumpiska sa mga operasyon. Mayroon na rin aniyang 309 drug dens at laboratoryo ang nabuwag.

Samantala, mayroon nang 11,437 barangays ang nalinis mula sa iligal na droga habang may 21,755 barangays pa ang kailangang linisin.

Mahigit 2,000 mga batang edad 4 hanggang 17 ang nailigtas sa anti-illegal drugs operation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page