Sey ng experts... AIR POLLUTION, SANHI KUNG BAKIT HUMIHINA ANG SEX DRIVE NG KALALAKIHAN!


BAD news para sa mga mamshie natin diyan na may asawa na madalas ma-exposed sa masamang polusyon dahil ayon sa mga eksperto, ang air pollution umano ay sanhi kung bakit humihina ang sex drive ng kalalakihan. OMG!
Ayon sa mga siyentipiko, ang polusyon ay maaaring makaapekto sa abilidad ng mga lalaki sa pakikipagtalik.
Sa bagong pag-aaral, sinabi ng mga researcher na ang regular na paglanghap sa usok ng tambutso ng mga sasakyan ay maaaring magresulta sa erectile dysfunction.
Naniniwala ang mga siyentipiko na ang paglanghap sa poisonous particles ay maaaring maka-trigger sa genitals ng oxygen kung saan dito naaapektuhan ang abilidad ng mga lalaki para maging sexually aroused.
Gayunman, para mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento ang mga eksperto kasama ang ilang mga hayop kung saan nai-published ito sa Journal of Sexual Medicine.
Base sa isinagawang eksperimento, natuklasan ng mga dalubhasa na bukod sa malaki ang tsansa na magkaroon ng iba’t ibang klase ng sakit tulad ng heart disease, stroke at cancer ang indibidwal na nakalalanghap ng polusyon, maging ang kakayahan niya ay maaari ring maapektuhan dahil limitadong hangin lang ang nagpa-function sa kanyang baga.
Kaya ang payo ng mga eksperto, lalo na sa mga repa natin diyan na nagmomotor kung ‘yan talaga ang inyong paraan ng transportasyon, make sure na mag-iingat at magtatakip kayo ng ilong ninyo.
Kaya mga mamshie, alam n’yo na kung bakit poor ang performance ni daddy! He-he-he!
Dapat ninyo silang bantayan at alagaan dahil kayo rin ang makikinabang. Joke! Gets mo?





Comments