top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sayang daw ang 2 korona 'pag natalo… MARK, PINIGILAN SI WINWYN NA SUMALI ULI SA BB. PILIPINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

KAHIT break na sila, concerned pa rin naman si Mark Herras kay Winwyn Marquez at alam na alam din niya ang latest update sa ex-girlfriend. Aware siya na nagdesisyon na itong huwag nang sumali sa Bb. Pilipinas this year at suportado niya ito.

“Actually, nu’ng time na kami pa, sabi ko, huwag na rin siyang sumali. Kasi ako, for me, ha, meron na siyang dalawang korona (Reina Hispanoamericana na una’y sa Miss World 2017 and later ay nanalo rin siya ng same title sa ginanap na Reina Hispano­americana 2017 international pageant), ‘di ba?

“Sabi ko sa kanya, ‘What if hindi mo makuha ‘yung crown diyan sa sasalihan mo? Madi-depressed ka, malulungkot ka, eh, siyempre, may mga ibang tao na hindi mo supporters, sasabihin, talo ka, parang mababalewala ‘yung dalawa mong korona.’

“For me, ha, sinasabi ko ‘yan sa kanya before. Pero siyempre, sabi ko sa kanya, ‘Kung anu­man ang maging desisyon mo, siyempre, susu­portahan ko,’” kuwento ni Mark sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA-7 na Bihag.

Hindi raw totoo na ang reason for their breakup ay dahil ayaw ni­yang payagan si Winwyn na sumali sa Bb. Pilipinas. Siyempre, kahit ayaw daw niya, kung desisyon ng GF na sumali ay susuportahan niya.

Noong Enero lang naghiwalay sina Mark at Winwyn at aminado naman siyang hindi naging madali sa kanya at parang nawala raw siya sa sarili. Kaya ngayong may bago siyang drama series ay dito muna siya magpo-focus talaga.

Maayos naman daw ang paghihiwalay nila, no third party at talagang mutual decision nila ito.

“Nagkaroon lang kami talaga ng problema with each other na parang hindi na nagiging healthy ‘yung relationship. Pareho naming na­pag­de­sisyunan na it’s about time na kailangan naming gawin kasi nga, hindi na nagiging healthy for the both of us.

“This is the first relationship din na parang naghiwalay kami nang maayos na nag-uusap. Hindi ko siya puwedeng isipin na bad breakup pero hindi ko naman sinasabi na good breakup kasi naghi­walay pa rin kami.

“Pero kumbaga, ang hirap, ang hirap niyang tanggapin sa buhay lalo na sa part ko na alam kong siya lang din ang inaasahan ko, ‘di ba? Wala na ‘yung parents ko, and si Winwyn ang tumulong sa akin talaga sa lahat ng bagay.”

Ginagampanan ni Mark sa Bihag ang papel na isang tapat na police officer at high school classmate ng karakter ni Max Collins na tutu­long sa pag­ha­hanap ng nawawalang anak nito.

Kasama rin sa Bihag sina Sophie Albert, Jason Abalos, child star Rafael Landicho at marami pang iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page