Pulis binaril, dedo
Madel Moratillo
Mar 27, 2019
1 min read

PATAY ang isang pulis matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo habang binabagtas ang southbound ng EDSA-Connecticut sa Greenhills, San Juan City kahapon.
Sa inisyal na ulat ng San Juan City Police, alas-3:30 ng hapon nang maganap ang shooting incident.
Kinilala ang nasawi na si SPO2 Solomon Cugay.
Apektado naman sa pangyayari ang daloy ng trapiko sa southbound lanes ng EDSA-Santolan at EDSA-Connecticut.





Comments