P43 milyong cocaine nasabat sa dagat

NASA pitong bloke ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P43 milyon ang nadiskubre sa karagatang sakop ng Bagamanoc, Catanduanes nitong Lunes.
Sinasabi sa report ng Bagamanoc Municipal Police Station, tatlong mangingisda na sina Marcel Benosa, 33; Danilo Villasana, 65, at Tirso Bandola, 47, pawang mga residente ng Barangay Bugao, ang nakakita sa kontrabando na nakapaloob sa malaking icebox habang palutang-lutang ito pasado ala-1:00 ng hapon. Tumitimbang umano ang nakuhang cocaine ng 8.635-kilo na binabalutan ng may dolyar na tatak pa nito.
Nai-turnover na ng tatlong mangingisda ang mga iligal na droga sa pulisya bago tuluyang isailalim sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pormal na disposisyon nito.





Comments