top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matapos makipag-inuman | MISIS KINATAY

  • Paul Lamsen
  • Mar 27, 2019
  • 1 min read

ISANG ginang ang natagpuang patay sa kanyang silid, kamakalawa ng umaga sa Bgy. Tamba, Bayambang, Pangasinan.

Nakilala ang biktimang si Grace Borja, 39, may asawa at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng pinsan ng biktima na si ‘Karen’ ang labi ni Borja sa kanyang silid.

Tadtad ng saksak ang katawan ng ginang na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid na nakipag-inuman ang ginang sa kanyang mga kaibigan at nang malasing ito, inihatid sa kanyang silid ng inuupahan nilang bahay saka iniwan.

Gayunman, nang gigisingin ni ‘Karen’ ang biktima, laking-gulat nito nang madatnan na wala nang buhay at naliligo sa dugo si Borja.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page