top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MARINERO, NAKAIPON ULI NG LAKAS; UST VS. ADAMSON SA SOFTBALL FINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
1 min read

KUMAMADA ng dou­­ble-double 29 puntos at 10 rebounds si Santi Santillan upang tulungang makabalik ang Marinerong Pilipino sa win column sa pamamagitan ng 91-72 demolisyon ng re­branded CD14 Designs-Trinity University of Asia kahapon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nag-take-charge ang La Salle forward sa 3rd period kung saan kanyang isina­lansan ang 13 sa naging ka­buuang output upang ibigay ang komportableng 65-48 na kalamangan sa Skippers.

“Ang sinasabi ko na lang sa kanila palagi, kailangan naming ibigay ang best effort sa practice. Doon kami mabubuo as a team lalo na at akyat-baba ang laro ng players namin. Buti naman ngayon, lumabas ang resulta,” wika ni coach Yong Garcia.

Dahil dito ay tumaas ang Marinerong Pilipino sa 3-2, panalo-talong marka sa Foundation Group, habang nanatiling walang panalo ang CD14 Designs-Trinity mata­pos ang apat na laro. Nagtapos na topscorer si AJ Vitug sa itinalang 18 puntos para sa CD14 Designs-Trinity, na dating kilala bilang The Masterpiece Clothing-Trinity.

Samantala, muling itinakda ng UST ang pagtutuos nila ng Adamson University sa finals makaraang kumple­tuhin ang pagwalis sa second seed De La Salle, matapos ang kanilang 9-2, panalo sa kanilang knockout game sa UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page