top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot pinagtataga, dedbol

Levi Gonzales
Mar 27, 2019
1 min read

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos pagtatagain sa katawan ng kanyang nakaalitan sa Bgy. Putingbuhangin, San Juan, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Eldibrando Miral, habang ang suspek ay kinilalang si Ryan de Torres, kapwa naninirahan sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-7:30 ng umaga, biglang sinugod ng suspek ang biktima nang huminto ang motorsiklo nito.

Pinagtataga ni Torres sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima hanggang sa tuluyan itong namatay.

Tumakas ang suspek sa hindi malamang direksiyon

Napag-alaman na dati nang may namuong alitan sa pagitan ng dalawa kaya inunahan ito ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page