top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | MARSO 27, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 27, 2019 (Miyerkules): Hu­wag mong biguin ang iyong kapalaran na nag­sa­sabing, ang malala­king tagumpay ay naka­laan para sa iyo. Kaya dapat ang ambisyon mo ay ma­la­laki.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo. Alam mo ba kung ano ang ginagawa kapag dumating ang takdang-araw na masu­werte para sa tao? Mag­saya ka, ito ang nais sa­bihin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-3-18-20-27-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang iyong kaila­ngan para masimulan mo na ang matagal mo nang gustong gawin. Muli, la­kas ng loob ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-11-15-19-22-28-30.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakatu­tuwa ang mga uma­awat sa iyo da­hil alam nilang hin­di ka kayang awatin. Ang mas maganda para sa kanila ay ang makiisa sa mga ka­gustuhan mo. Ma­suwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-21-25-35-38.

CANCER (June 21- July 22) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan mangyayari ang mga bagay na ayaw mo, pero sa huli, sobra kang magagalak dahil ang mga ito ay magbubunga ng ma­ganda para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-24-33-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­hawiin ng la­ngit ang mga hadlang sa lan­das ng buhay na iyong ti­natahak. Kaya malaya mong magagawa ang iyong mga balak. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-29-31-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalakas ang loob mo. Dapat mo itong gami­tin sa pagpapaunlad ng iyong sarili at hindi sa pag­harap sa mga kaaway o kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-25-26-32-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakapagtata­ka dahil ang mga kaaway mo ay makikitang hindi sinasadyang nakagagawa ng maganda para sa iyo, ang isa pang nakapagta­taka ay magiging mata­mis ang inyong relasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-24-28-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Noon pa man, ang gu­long ay maha­laga sa buhay mo dahil ito ang mismong gulong ng iyong kapalaran. Hayaan at huwag mong kontrahin ang itinakda sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-9-11-15-23-33-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaya mong maga­gawa ang mga plano mo. Pansamanta­lang hindi makapoporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Sumalungat man sila, hanggang salita lang sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-28-29-30-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit ka­ilan, hindi maganda ang bugso ng iyong damda­min. Dapat kang gumamit ng magagandang salita kapag nagsasabi ka ng iyong mga saloobin. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-26-30-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mapapakali. Ito ay nagpa­pahiwatig na ang mga ma­sasayang suwerte ay magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-34-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papasukin mo ang ihip ng hangin sa in­yong bahay. Ito ang pam­pasuwerte mo at ikaw mismo ang magsasabi na kakaiba ang nadarama mo sa tuwing humahalik sa mga pisngi mo ‘yung ha­ngin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-25-27-34-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page