Ayaw pang umamin… NABULGAR: JANINE AT RAYVER, 2 YRS. NA!

Nitz Miralles / BIDA

TINAPOS lang ni Janine Gutierrez ang mga eksena niya sa Dragon Lady kahapon (Tuesday) at lumipad na for London para sa Jo Malone event. Five days lang sa London si Janine, two to three taping days din ‘yun, kaya nag-advance taping ito at pati last Sunday, nag-taping din siya.
In fairness, walang nagreklamo sa cast na nagtrabaho sila on a Sunday dahil suportado nila si Janine. Hindi raw kasama ni Janine na umalis ang BF niyang si Rayver Cruz, pero sa pag-alis niya sa May for the States, baka makasama niya si Rayver. Lilipad din pa-New York si Rayver para sa Sunday PinaSaya.
Wala pa palang inaamin sina Janine at Rayver kung kailan nagsimula ang kanilang relasyon. Pero kung paniniwalaan ang fans nila, two years na palang on sina Janine at Rayver at nag-celebrate sila ng kanilang anniversary last Monday (March 25).
Itanggi pa kaya ito ng dalawa ‘pag tinanong?
Kaya pala sabi ni Rayver nang tanungin tungkol kay Janine, “Sobra siyang special sa akin at ‘di ko kakayaning mawala siya sa buhay ko. Every day, sinasabihan ko siya ng I love you.”
Awww!!!





Comments