Adviser ni P-Digong sabit sa droga | TANGGAL NA SIYA, LAST YEAR PA — PALASYO
- Mylene Alfonso
- Mar 27, 2019
- 1 min read

IGINIIT ng Malacañang na noong isang taon pa natapos ang kontrata ni Presidential Economic Adviser Michael Yang sa gitna ng alegasyon na sangkot ito sa iligal na droga.
Ito ang sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na noon pang December 31, 2018 napaso ang kontrata ni Yang.
Ayon kay Medialdea, piso lamang kada taon ang bayad ng gobyerno sa kontrata ni Yang bilang adviser ng Chief Executive.
“One peso per annum contract expired last Dec. 31, 2018,” wika ni Medialdea.
Matatandaang, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong October 2016 na hindi niya economic adviser si Yang na kilalang matalik na kaibigan ng pangulo dahil ito ay isang Chinese national na ipinagbabawal sa batas ng Pilipinas.





Comments