top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

31 celebrities pasok sa narco-list

  • V. Reyes
  • Mar 27, 2019
  • 1 min read

MAHIGIT sa tatlumpung artista at television hosts ang nasasangkot umano sa illegal drug trade.

Ibinunyag ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino.

“Tama po ‘yun, 31 po sila. Napapanood niyo pa rin sa telebisyon. May mga TV host pa nga na nakikita natin dito,” ayon kay Aquino.

“Mga wholesome pa ang roles nito sa telebisyon and yet itong mga artista na ‘to iba po ang ginagawa ‘pag gabi. Sila pa mismo ang tinutularan ng ating mga kabataan pero kung umorder ng ecstasy, 200 piraso,” dagdag pa nito.

Gayunman, nilinaw ni Aquino na kailangan pa ring idaan sa ibayong kumpirmasyon ang mga pangalan na kabilang sa drug watchlist.

“Hindi pa po ito validated. ‘Pag watch list po,’ di pa po validated, ‘di katulad ng PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) list, validated na po lahat ‘yan. We still need to confirm, to validate the list...,” paglilinaw pa ng opisyal.

Sa ngayon aniya ay mahabang panahon ang kailangang gugulin para makumpleto ang validation ng mga personalidad na nadawit sa listahan.

Inamin ni Aquino na tinututukan muna nila ngayon ang muling pagkukumpirma sa listahan ng mga pulitikong dawit sa iligal na droga.

“Wala pa po kami balak i-validate ngayon ang mga celebrities, judges and prosecutors. Siguro ho pagkatapos namin i-revalidate ‘yung mga narco politicians, doon mag-umpisa na rin kaming mag-validate ng mga tao na ito,” sinabi pa ng PDEA Chief.

Nauna nang inihayag ni Aquino na maliban sa celebrities, mayroon ding ilang judges, prosecutors at miyembro ng media sa listahan ng may 60,000 personalidad na dawit umano sa ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page