Tulak dedbol sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 26, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Camp Tinio, Aliaga sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Dexter Pascual, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Pascual na mga pulis ang katransaksiyon niya sa bentahan ng droga kaya binaril nito ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments