top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rally ng mga rider kontra doble-plaka, wa’ epek

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2019
1 min read

TILA, wa’ epek ang inilargang protesta ng mga rider kontra doble-plaka.

Matapos ang naturang rally mula People Power Monument hanggang sa Senado, wala umanong balak ang Malacañang na bawiin ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tuloy ang Motorcycle Crime Prevention Act na nag-aatas sa motorcycle riders na maglagay ng malalaki at color coded na plate number sa harap at likod ng motorsiklo.

Tablado ang 50,000 riders na ralista!

Samantala, sinabi pa ng Palasyo na mismong si Pangulong Duterte at kanyang anak na si Davao City Mayor Sara ay susunod sa bagong batas, kapwa mahilig magmotor.

Kaya wala umanong dahilan ang mga nagmomotor para suwayin ang batas.

Nauna nang ipinaliwanag na ang layunin ng paglalagay ng malalaking plaka ay upang makatulong sa pagpigil ng krimen at para madaling maispatan ang mga kriminal na karaniwang ginagamit ang motorsiklo bilang getaway vehicle.

Sinundan ito ng pagpalag ng mga rider kaya nabuo ang “Unity Ride”, anila, delikado ang paglalagay ng malalaking plaka sa harap ng motorsiklo dahil maaaring matanggal ang plaka kapag mabilis ang takbo ng rider at puwedeng madisgrasya o makadisgrasya ng ibang motorista o pedestrian.

Kapwa may punto ang mga pabor at pumapalag, ang mainam sigurong gawin ng gobyerno ay ipaliwanag nang maigi ang bagong batas at tiyakin na hindi ito makapagdudulot ng banta sa kaligtasan ng lahat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page