Pangarap ni: John Rey S. Reonico


Tik, tok, tik, tok, tik, tok,
sa bawat yabag ng orasan,
kasabay ng bawat pintig ng pulso,
isang hakbang upang mahagkan,
ang pangarap na sinasamo.
Mula pagkabata, ako’y nagugulumihanan
kung paano makukulayan ang mumunti kong larawan?
Sa kabila ng mundong aking pinaglalaruan,
kayhirap abutin ng bagay na ‘di mo maisasakatuparan.
Kaydaming lubak, mga along kaylakas,
kailangang maging matatag,
sa kagubata’y puno ng ahas.
Napakaraming karamay, ngunit, ikaw ay mag-isa,
sa hampas ng hangin sayo’y walang kakarga.
Sa aking pagmulat,
ang hari ay bumungad,
muling lumuklok sa silangan,
hudyat ng paglalakbay na walang pagtahan.
Halintulad ng aking pangarap na walang hangganan,
ang pusong matatag ang patuloy sa paglaban.
Ngunit, ito’y kailangang pakaingatan
upang pawis at dugo ay hindi masayang,
Upang kung ang hari ay bumagsak na sa kanluran,
ang ating mga
pangarap ay siyang ating tirahan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments